54

Feb 25, 2020 @ 15:37
By

Ikaw ba pakikisamahan? Nanay ni Juday, nagpayo kay Mommy Divine

Nagsalita si Carol Santos, ang ina ng aktres na si Judy Ann Santos, ukol sa mainit na isyu ngayon na pagtutol ni Mommy Divine sa kasal ng kanyang anak na si Sarah Geronimo kay Matteo Guidicelli.

Sa panayam ng ‘Level Up Showbiz Saturdate’ ni Noel Ferrer sa Radyo Inquirer, naitanong kay Carol kung anong masasabi nito sa naturang issue specially at magkaibigan ang kanyang anak at si Sarah G na nagkaroon na ng pelikula together.

Ayon kay Mommy Carol, hindi na mahalaga ang kaligayahan ni Divine dahil mawawala na rin naman io sa mundo.

“At the end of the day, ang isipin mo ang kaligayahan ng anak mo, hindi yung kaligayahan mo,” sey ni Carol.

“Kasi ikaw, paalis ka na sa mundo. Itong mga anak mo, paumpisa pa lang, so you always wish them best na mangyayari sa buhay nila, at matuwa ka na nandiyan ka pa, nakita mong masaya na ang anak mo, right?” aniya pa.

Wala na rin naman umanong magagawa si Mommy Divine kung ayaw niya kay Matteo dahil si Sarah naman ang makikisama dito at hindi siya.

“Kasi, ikaw ba ang pakikisamahan ng mapapangasawa? Pabayaan mo ang anak mo. Sila naman ang magiging maligaya.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?