37

Ikalawang anak nina Mariel, Robin isinapubliko na

Pinakita na ni Mariel Rodriguez sa publiko ang ikalawa nitong anak kay Robin Padilla, si Maria Gabriela.

Matagal na aniyang hinihintay ng kanyang mga tagasubaybay ang video ng kanyang panganganak, kaya ito ang paksa ng kanyang latest YouTube vlog na pinublish niya last Sunday, Dec. 1.

“I knew it wasn’t going to be easy that Robin and I weren’t going to be together when I deliver Gabriela but we decided tomake some sacrifices for our kids. During labor all I can think of is Isabella and Robin, all moms out there understand why,” kwento ng TV host.

“I am now sharing it with you guys because I want you to see the beauty above all the pain of giving birth,” saad niya pa.

Nanganak si Mariel noong 3:25 ng hapon, Nov. 15, matapos ang anim na oras ng labor.

Nagpasalamat din siya sa suporta at pagmamahal ng publiko sa kanya at kanyang pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?