267

By

Ika-2 sa pinakamalaking diamond sa buong mundo, binili ng Louis Vuitton

Binili ng Louis Vuitton ang second-largest diamond sa buong mundo kasunod ng pagpasok nila sa jewelry industry.

Isa itong 1,758-carat gem na kilala bilang Sewelo diamond.

Ayon sa Independent report, natagpuan ang Sewelo diamond noong April 2019 sa Karowe mine sa Botswana ng Lucara Diamond Corp.

Ibig sabihin ng “Sewelo” ay “rare find” sa salitang Tswana, isa sa lengguwahe sa Botswana.

Hahatiin umano ang diamond sa smaller stones at itatampok sa collection of jewellery nila na milyon-milyong ang magiging halaga.

Samantala, ang pinakamalaking diyamente ay isang 3,106-carat Cullinan diamond na natagpuan sa South Africa noong 1905. Hinati umano ito sa siyam na bato.

Binuo umano bilang crown jewels ng Britain ang dalawa sa malaking bato na mula sa Cullinan diamond, ayon sa Bloomberg report.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?