406

Feb 14, 2020 @ 12:19
By

Ika-2 pasyente mula Hong Kong, naka-quarantine sa Zambales

IBA, ZAMBALES- Ipinaalam ni Provincial Health Officer Dr. Noel C. Beueno na mayroon silang bagong pasyente na sasailalim sa Person Under Investigation (PUI) bilang pangalawa para sa COVID-19 na nagmula sa ibang bansa.

Ayon kay Bueno, ito ay isang babae na OFW mula sa bansang Hong Kong na umuwi dito sa PIlipinas noong nakaraang January 28 at ngayon ay nakakaramdam ng sipon.

Idinagdag pa ni Bueno na kasulukuyang wala pa namang lagnat at ubo ang babae pero boluntaryo pa rin siyang nagpatingin at nagpa-isolate dito Ramon Magsaysay Memorial Hospital para na rin sa kaligtasan ng kanyang pamilya.

Samantala, nakalabas na sa ospital noong Miyerkules (February 11) ang kauna-unahang pasyente na sumailalim sa (PUI) dito sa probinsya, matapos lumabas na negatibo ang confirmatory test into.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?