37

Dec 9, 2019 @ 14:46
By

Ika-10 korona ng Blu Girls

Nag-ambag ng medalyang ginto ang national team nang magreyna ang Blu Girls sa women’s softball competition sa 30th Southeast Asian Games 2019 Linggo sa Mabalacat, Pampanga.

Walang kahirap-hirap na ikinuwintas ng Nationals ang gold medal nang walisin ang Indonesia sa finals, 8-0.

Patapos pa lang ang fourth inning, abot kamay na ng Blu Girls ang panalo.

Kumana ng limang run ang Pilipinas sa second frame bago nagdagdag ng tatlo sa huling dalawang inning.

Si Ann Antolihao ang namuno sa panalo ng ‘Pinas.

“Of all the softball titles by the Blu Girls this is the easiest and the sweetest,” saad ni team manager Venerando ‘Randy’ Dizer. “It’s because we played in our home court, that’s the biggest thing.”

Pang-10 korona na ito ng bansa sa 11-nation, 12-day biennial meet sa likod ng ng six-game sweep.

Nag-gold ang Blu Girls sa SEAG noong 1979, 1981, 1987, 1991, 1997, 2005, 2007, 2011, 2015.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa 22 taon, ‘di narinig ang national anthem sa awarding ceremony sa men’s division.

Yumuko ang Blu Boys sa Singapore, 1-6, kaya nagkasya lang sa silver. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?