63

Feb 6, 2020 @ 13:42
By

Iguodala excited kina Butler, Adebayo

Muli nang makikita sa hardcourt ang three-time NBA champion na si Andre Iguodala.

Ito’y matapos na ilipat ng Memphis Grizzlies ang 2015 NBA Finals MVP patungong Miami Heat, na ipapalit naman ang injured forward na si Justise Winslow.

Sa panayam ni ESPN Senior NBA writer Marc Spears kay Iguodala, sinabi nitong excited na siyang muling makasalang sa court matapos na ayawan ang paglalaro sa Memphis.

Aniya, sana’y maging case study ang kanyang sitwasyon, na piniling i-sit out ang ngayong season kung hindi i-trade ng Grizzlies.

Dahilan nito’y may karapatan umano ang mga atleta kung saan gagamitin ang kanilang mga brand o moves.

“Getting ready for the exciting opportunity, looking forward to it,” saad ni Iguodala.

Natutuwa rin ito sa pagsasama nila ni Jimmy Butler, na naging perennial star para sa Miami na nag-aaverage ngayong season 20.7 points, 6.8 rebounds at 6.2 assists.

“I’m really excited about that. Jimmy Butler, obviously proven… very well respected in terms of the passion and hard work he brings to the game and I feel like his temperament and the values that he has really resonates with the Miami Heat and they’re very well aligned,” aniya pa.

Bukod dito’y pakiramdam ni Iguodala na magiging magaling siyang leader para sa mga bata ng Heat tulad nina Kendrick Nunn, Tyler Herro at Duncan Robinson, special mention naman si Bam Adebayo na kasama na sa All-Star sa ikatlo pa lang nitong season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?