830

By

Igalang ang mga manggagawa! Vico Sotto nabanas sa Zagu

Hindi nakapagpigil ang bagong Pasig Mayor Vico Sotto sa pag-disperse sa mga nagra-rally na manggagawa kontra sa management ng Zagu.

Noong Lunes ay pumunta mismo si Sotto sa strike ng mga manggagawa sa tapat ng opisina ng Zagu.

Ayon kay Vico, base sa temporary restraining order ng National Labor Relations Commission, pwedeng mag-rally ang mga empleyado basta’t hindi nakahambalang sa gate ng Zagu.

“Ayaw kong makakarinig ako ulit na pinapaalis niyo ang nagsa-strike. Idaan natin sa tamang proseso,” ayon kay Vico sa isang Facebook video nitong Miyerkoles.

Nagsimula ang welga ng mga Zagu Workers Union noong Hunyo 6 sa Pasig, ito ay dahil sa contractual lang ang umano’y tinatanggap ng nasabing kompanya.

Hindi nagkasundo ang Zagu at ang unyon dahilan ng pagwewelga ng mga manggagawa.

“Hindi nangyari ito kung wala kayong mga empleyado na 10+ taon na, pero kontraktwal pa rin. Hindi nagkaroon ng strike kung nakipag-negosyasyon kayo ng maayos,” giit ni Sotto. “SUMUNOD KAYO SA BATAS. GALANGIN NIYO ANG MGA KARAPATAN NG INYONG MANGGAGAWA.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?