43

By

ICTSI ni Ricky Razon tatanggap ng $93.6M na danyos

Ginawaran ng hukuman sa Portland, Oregon ang International Container Terminal Services Inc. (ICTSI) ni Ricky Razon nang $93.6 milyon o P4.7 bilyon.

Nagsampa ang ICTSI Oregon Inc. ng kaso laban sa International Longshore and Warehouse Union (ILWU) at ILWU Local 8 dahil sa unlawful labor practices.

Ayon kay ICTSI Oregon Inc. president and CEO Elvis Ganda, masalimuot at komplikado ang kaso kaya nagpapasalamat sila sa jury dahil sa tiyaga sa pag-iintindi nito.

Ang ICTSI ang nagpapatakbo ng kaisaisang container terminal sa Oregon at nakuha nito ang kontrata noong 2010, na inatrasan nito noong 2017.

Gayunpaman, hindi pa makukuha ng ICTSI ang danyos sapagkat kailangan pang magkaroon ng entry of judgement ang korte at may pagkakataon pang maghain ng mosyon ang ILWU.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?