174

By

Iceland resolution para imbestigahan ang drug war sa ‘Pinas, sinuportahan ng 18 bansa

Pinagbotohan ng mga miyembro ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa Geneva nitong Huwebes ang resolusyon ng Iceland para maimbestigahan ang giyera kontra droga sa Pilipinas.

Ang UNHRC ay may 47 bansang miyembro kabilang ang Pilipinas.

Nasa 18 bansa ang sumuporta sa resolusyon habang 14 ang tumutol, 15 naman ang nag-abstain.

Kabilang sa tumutol ang China at Bahrain.

Batay sa 2-pahinang resolusyon, naatasan si UN human rights chief Michelle Bachelet na maghanda ng comprehensive report tungkol sa human rights situation sa Pilipinas na ipipresinta sa 44th session.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,