403

Mar 25, 2020 @ 12:14
By

Ibang virus kumitil sa kelot sa China

Hindi pa man tapos ang mundo sa pandemya ng coronavirus, napaulat na may isang lalaki mula sa Yunnan Province, China na pumanaw mula sa “hantavirus.”

Sa tweet ng Chinese media Global Times nitong Martes, Marso 24, 2020, sinabing pumanaw noong Lunes ang ‘di tinukoy na lalaki habang sakay ng bus papunta sa Shandong Province.

Nagpositibo umano ito sa hantavirus. Ti-nest na rin ang 32 ibang pasahero na kasama ng lalaki sa bus.

Unang napabalita sa Amerika noong 1993 ang hantavirus, na napapasa sa tao mula sa mga rodent o hayop na gaya ng daga.

Walang kaso ng human-to-human transmission ng naturang virus, bukod sa Argentina noong 1996 nang sabihin ng American Center for Disease Control and Prevention na “strains of hantaviruses in South America may be transmissible from person to person.”

Kumpara sa ubo, lagnat, at kahirapan sa paghinga ng COVID-19, may mga sintomas ang hantavirus na headache, muscle ache at fatigue o pagkapagod.

Sa ngayon, Marso 25, 18,901 na ang kinitil ng COVID-19 sa 170 bansa o rehiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?