758
Ibaka, Chriss ejected matapos magsapakan
By

Ibaka, Chriss ejected matapos magsapakan

Nagtulong sina Collin Sexton at Kevin Love para ilampaso ng Cleveland Cavaliers ang Toronto Raptors, 126-101, Lunes ng gabi (Martes sa Pinas).

Bumuhos ng 28 points si Sexton habang 16 points at 18 rebounds naman si Love.

Highlights ng laro ang pagka-eject nina Serge Ibaka ng Toronto at Marquese Chriss ng Cleveland matapos magsapakan sa huling minuto ng third quarter.

Bumagsak si Ibaka sa sahig nang mag-agawan sa posisyon ang dalawa sa ilalim ng basket ng Cavaliers sa attempt ng Raptors sa full-court pass na nauwi sa out of bounds.

Dahil dito, nabadtrip si Ibaka at hinatak sa leeg si Chriss saka pinagsusuntok bago gumanti rin ang huli.

Kapwa napatalsik ang dalawa sa laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?