2,082

Feb 18, 2020 @ 10:52
By

Iba pang detalye ng pagkamatay nina Kobe, Gianna nalantad

Nabunyag sa death certificate mula sa Los Angeles County Department of Public Health ang mga panibagong impormasyon tungkol sa pagkamatay nina LA Lakers legend Kobe Bryant at kanyang dalagitang anak na si Gianna.

Nakasaad sa certificate, na nakalap ni Abante LA Correspondent Dave Llavanes Jr. mula sa County of Los Angeles Medical Examiner-Coroner, na namatay si Kobe sa isang “commercial helicopter crash” at ang “time interval between onset and death” ay “rapid” o mabilis.

Nakalagay din na opisyal na sanhi ng kanyang pagkamatay ang “blunt trauma” at ang lugar ng kamatayan sa “mountainside.”

Nakasaad ding isang “author, producer, and athlete” si Black Mamba, na nasa entertainment industry na sa 24 taon.

Sa certificate, nakalagay na nilibing si Kobe nitong Pebrero 7, 2020 sa Pacific View Memorial Park sa Corona Del Mar, California.

Namatay sina Kobe, 41, Gianna, 13, at pitong iba pa, kabilang ang dalawang teammate ni Gianna sa Mamba Sports Academy at Orange Coast College baseball coach John Altobelli, sa isang helicopter crash sa mabundok na bahagi ng Calabasas, California, noong Enero 26.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?