1,922

By

Huwag nang umasa! Prangkisa ng ABS-CBN barado kay Duterte

Inulit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang banta nito sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Sa pagsasalita ng Pangulo sa harap ng mga bagong opisyal ng Malacañang nitong Martes, sinabi ng Pangulo na huwag nang umasa ang Kapamilya network na mare-renew ang prangkisa nito na mag-e-expire sa Marso 2020.

“If you are expecting na ma-renew ‘yan (franchise), I am sorry. I will see to it that you are out,” pahayag ni Duterte.

Magugunitang sinabi noon ng Pangulo na haharangin niya ang franchise renewal ng ABS-CBN matapos hindi iere ang bayad niyang advertisement para sa 2016 elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?