109
Fire prevention measures pagbubutihin ni Bong Go
By

Huwag munang husgahan si VP Leni, suportahan natin – Go

Sa halip na batikusin, dapat umanong bigyan ng pagkakataon si Vice President Leni Robredo na gampanan ang kanyang trabaho bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs o ICAD, ayon kay Senador Christopher Lawrence “Bong” Go.

At ngayong mamumuno na umano siya sa kampanya laban sa iligal na droga, sinabi ni Go na mararamdaman din ng Bise Presidente kung gaano kahirap ang trabaho ng Pangulo para masugpo ang iligal na droga.

“Ngayon imbes na i-criticize niya ang Pangulo, siya na ang nasa taas, malalaman din niya kung gaano kahirap ang trabaho ng Pangulo,” pahayag ni Go sa panayam ng mga reporter sa groundbreaking ceremony ng housing project para sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Tanauan, Leyte.

“Sabi ni Vice President Leni, ayaw niya may inosente na madamay. Kami rin ni Pangulong Duterte,” dagdag pa nito.

Hangad din umano niyang maging matagumpay si Robredo sa pamumuno para masugpo ang droga sa bansa.

“As a senator, full support kami sa kanya. We want her to succeed. 82% ang sumasang-ayon sa kampanya ng gobyerno laban sa droga,” ani Go, dating Presidential Assistant ni Duterte.

“Malay mo, umabot siya ng 90%, 100%. Huwag muna nating husgahan. Suportahan natin. Basta isa ang ating layunin, interes ng mga Pilipino at sugpuin ang droga,” sambit pa nito.

Binigyang-diin pa ng senador na kailangan protektahan ng bansa ang bawat Pilipino sa masamang epekto ng iligal na droga.

“Ako naman po ang magbibilang sa July 2022. Kung binibilang nila kung ilang inosente ang namamatay, wala naman ang may gustong may mamatay na inosente,” ani Go.

“Ako naman ang magbibilang, iilan pa kaya na inosenteng Pilipino ang mabibiktima ng iligal na droga na ito?” wika pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?