47

By

Huwag matakot sa paghayag ng katotohanan! Poe kinondena ang pag-atake sa Abante

Mariing kinondena ni Senadora Grace Poe ang nangyaring pagsugod ng apat na armadong lalaki at pagsunog sa printing plant ng Abante/Abante Tonite, bandang ala-una ng umaga nitong Lunes.

Ayon kay Poe, ang pag-atake sa Abante, na tinatayang unang beses na nangyari sa mga mainstream media outfit sa bansa, ay klarong pananakot dahil sa pagsiwalat ng kamalian ng iba’t ibang personalidad.

“Malinaw itong pananakot, hindi lamang sa Abante, kundi sa mga mamamahayag na nagbabalita lamang ng impormasyon at nagsisiwalat ng korapsyon at maling gawain ng iba’t ibang tao, kabilang na ang mga tiwali sa gobyerno,” ayon sa mambabatas.

Hiling ni Poe ang masusing imbestigasyon ukol sa nasabing insidente at nais din ang tulong para sa mga nasaktan sa nasabing planta, na ayon sa report ay dalawa ang nasaktan.

“Huwag tayong matakot na magpahayag para sa katotohanan at para sa bayan,” panapos ni Poe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?