246

By

Husband goals! Mga netizen kinilig kay Paul Soriano

Kilig to the max ang mga miron sa social media dahil sa naging sagot ni Direk Paul Soriano sa kanyang maybahay na si Toni Gonzaga na number 2 trending agad sa Youtube.

Sa video na nakapaskil sa channel ni Toni na Celestine Gonzaga-Soriano, tinanong nito ang ilang nais niyang malaman na never pa niyang naitatanong kay Direk Paul.

Kumalat sa social media ang tanong ni Toni na ano ang dahilan para mapa-walkout si Paul sa relasyon nilang dalawa.

“What would make you walk out of our marriage,” tanong ni Toni.

“It’s when you walk of it,” sey ni Direk na kinakiligan ni Toni at ng mga netizen.

Sey pa ni Toni na paano kung hindi siya mag-walkout, saad ni Paul na hindi rin siya lalayo.

Dahil dito ay nag-trending sa Twitter ang pangalan ni Soriano dahil hubby goals ito sa mga kababaihan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?