195

Nov 20, 2019 @ 13:00
By

Human rights advocate Kine sasampalin ni Duterte sa harap ni Robredo

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo na imbitahing pumunta sa Pilipinas si human rights advocate Phelim Kine para sampalin ito sa harapan niya.

Sinabi ng Pangulo na nabasa nito ang tweet ni Kine na nakahanda na itong pumunta sa bansa para bigyan ng payo at rekomendasyon ang Bise Presidente, at nirekomendang arestuhin ito.

Ayon kay Pangulong Duterte, aatasan niya ang Bureau of Immigration para papasukin si Kine sa bansa para makita ang hinahanap nito.

“I dare you, invite him. Sinabi ko kasi Immigration, papasukin ninyo. I dare you. Kung talagang dedicated ka, papasukin mo dito yang p***i****yan. Puntahan kita sa opisina mo, sampalin ko yan sa harap mo,” anang Pangulo.

Hindi naitago ng Presidente ang pagkainis kay Kine dahil nabasa nito ang tweet nito na nakahanda na itong bumiyahe sa Pilipinas para payuhan ang Bise-Presidente.

“Nakita ko yung tweet eh. “I am packed and ready to go and arrest Duterte”. Yan ang imbitahin mo? Ganun ang salita sa akin p****i**, Leni, sa harap mo sampalin ko yan dalhin mo dito,” ang gigil na pahayag ng Pangulo.

Kaya aniya ganon na lamang ang reaksiyon nito dahil hindi siya binigyan ng pagkakataon na marinig ang panig sa kanyang drug war, at kahit sinikap niyang sumagot ay wala namang nakikinig dahil sarado ang utak ng kanyang mga kritiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?