1,045

By

Huling tweet, IG post ni Kobe alay kay LeBron

Kinilala ng pumanaw na NBA Legend Kobe Bryant si LeBron James sa huli niyang post sa Twitter at Instagram, matapos siyang malampasan nito sa NBA all-time scoring list.

Pumanaw si Kobe, 41, kasama ang kanyang anak na si Gigi, 13, at pitong iba pa sa helicopter crash sa Calabasas, California, Linggo sa Amerika, Enero 26.


“Continuing to move the game forward @KingJames. Much respect my brother 💪🏾 #33644”

Ang tinutukoy ni Black Mamba sa kanyang huling hashtag (#33644) ay ang bilang ng mga puntos na kailangan para malampasan niya ang sariling record, at nakamit ni James bilang small forward.


“On to #2 @kingjames! Keep growing the game and charting the path for the next. 💪🏾,” hayag naman ni Kobe sa huling post niya sa Instagram, na meron nang 6.8M likes.

Nagwagi ng limang championships ang 18-time NBA All-Star at naging isa sa pinakamahuhusay na basketball players ng kanyang henerasyon, sa kanyang dalawang-dekadang career sa Lakers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?