498
Babae hinalay, pinatay sa Rizal
By

Huling dinner date ng magdyowa: Manager todas sa holdaper, GF kritikal

Nagwakas sa madugong trahedya ang dinner date ng magkasintahan makaraang pagbabarilin at manlaban sa apat na ‘di-kilalang holdaper sa Quezon City, Sabado ng gabi.

Ayon sa imbestigador na si PCpl. Alexiss Mace Jurado ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang napatay na biktima ay nakilalang si Marcus Christian Ong, 36, marketing manager ng Raimol at residente ng Barangay Sto Nino, Marikina City.

Nasa kritikal na kondisyon naman sa Capitol Medical Center ang girlfriend niyang si Kristy Claire Cardenas, 23, dalaga ng Barangay Mariblo, San Francisco del Monte, QC.

Sa inisyal na report, ang insidente ay naganap dakong alas-9:40 ng gabi (December 7) sa harapan ng Tra Vinh Express na matatagpuan sa Scout Reyes kanto ng Panay Ave., Brgy. Paligsahan ng nasabing lungsod.

Katatapos lamang umanong mag-dinner ng magkasintahan sa nabanggit na restawran at naglakad patungo sa parking area upang sumakay sa kanilang nakaparadang sasakyang violet na Honda nang sumulpot ang dalawang motorsiklo sakay ang tig-dalawang lalaki at nagpahayag ng holdap.

Agad na hinablot ang shoulder bag ni Cardenas subalit nanlaban ang boyfriend niyang si Ong kaya pinagbabaril ng mga suspek ang mga biktima at saka tumakas.

Mabilis namang naisugod sa ospital si Cardenas sanhi ng tinamong limang tama ng bala ng ‘di-pa-batid na kalibre ng baril sa kaliwang bahagi ng katawan, subalit napuruhan ang kaniyang dyowa at namatay noon din.

Patuloy pang tinutugis ng mga awtoridad ang apat na nakatakas na holdaper.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?