65

Mar 11, 2020 @ 16:58
By

Huling babaeng white giraffe pinatay ng mga poacher sa Kenya

Kinitil ng mga poacher sa Kenya ang huling babaeng puting giraffe at ang anak nito.

Ayon sa conservation org Ishaqbini Hirola Community Conservancy, Marso 10, 2020, kalansay na nang matagpuan ang dalawang hayop sa Garissa County, matapos pagpapatayin ng mga armadong poacher.

Huli umanong natagpuan ang dalawa, higit tatlong buwan na ang nakalilipas.

Dahil dito, sabi ng grupo, isa na lang ang natitirang white giraffe sa daigdig: ang lalaking anak ng yumaong babaeng giraffe.

Naninirahan ang tatlo sa isang Kenyan wildlife sanctuary. Unang namataan ang babaeng hayop noong 2017.

Iniimbestigahan na umano ng Kenya Wildlife Society ang trahedya.

Ayon sa African Wildlife Foundation, halos 40% ng populasyon ng mga giraffe ang nabawas sa loob ng 30 taon dahil sa poaching at wildlife trafficking.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?