68

By

Huerte pasipa-sipa lang noon, may bahay at kotse na ngayon

Hindi akalain ng sepak takraw player na ang tingga na gamit noon sa paglalaro ng sipa ang magbibigay sa kanya ng malaking karangalan ngayon.

Ito ang naging sukli sa buhay ni Jason Huerte na anim na taon na ring sumasabak sa SEA Games.

Bagama’t pilak at tanso lamang ang naibubulsa nito sa bawat laban noon ay hindi ito sumuko sa halip ay patuloy na lumaban hanggang sa makasungkit ng gintong medalya sa sepak takraw sa pagpapatuloy ng 30th Southeast Asian Games.

Ang 26-anyos na si Jason na laking-Marikina ay napasabak lang umano sa sepak takraw sa takot na maging `repeater’ kapag hindi sumali sa laro.

Hindi naman ito nagsisi sa paglahok dahil bukod sa libreng pagkain, bukod sa sariling pamilya ay nakabuo ito ng panibagong pamilya na todo suporta at bubuo sa kanyang pagkatao matapos makapagtapos ng pag-aaral.

Mula aniya sa paglalaro niya ng sipa gamit ang tingga, hindi niya akalain na sa loob ng halos 14-taon ay mabibiyayaan siya ng bahay at sasakyan gamit ang kanyang talento.

Bukod dito ay napabilang din siya sa enlisted personnel ng Philippine Air Force at maging parte ng koponan sa sepak takraw.

Sa kabila ng tinamasang kasaganahan ngayon ng gold medallist na si Jason at anak ng isang OFW ay aminado itong marami siyang sinakripisyo bago naabot ang ginto kaya payo niya sa mga manlalarong gaya niya ay ituloy lang ang nasimulan at pagmamahal sa sepak takraw.

“Ituloy niyo lang kung ano ‘yung ginagawa n`yo,” pagtatapos nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?