128
Mag-asawa nadiskubreng naaagnas na sa Camarines Sur
By

Hubad na misis natagpuang patay sa Caloocan

Isang hubad na katawan ng isang 42-anyos na ginang ang natagpuang tadtad ng saksak sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City, Lunes ng gabi.

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Noel Flores, alas-7:30 ng gabi nang madiskubre ni Banjamin ang walang buhay at hubad na katawan ng anak na si Florinda De Villion, 42, na naliligo sa sariling dugo sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. 31 matapos nitong ihatid ang kanyang apo sa bahay ng kanyang nanay.

Nabatid na mag-isa lang ang biktima sa kanilang bahay nang maganap ang insidente dahil pumasok sa trabaho ang kanyang live-in partner na si Abe Pecayo habang nasa paaralan naman ang kanilang anak.

Batay kay Col. Flores, bandang alas-dos ng madaling araw, Oktubre 8, 2019, nang masakote sa follow-up operation sa Libertad St. Pasay City ng mga tauhan ng Caloocan Police Community Precinct 2 sa pangunguna ni P/Capt. Herson Manegdeg si Jay-Ar Malano, kapitbahay ng biktima.

Inamin ng suspek ang krimen subalit, tinanggi nito na ginahasa niya ang biktima at ayon sa kanya, kalalabas lang sa banyo ng ginang at nakatapis ng tuwalya nang pasukin niya sa bahay bandang alas-diyes ng Lunes ng umaga.

“Parang na-demonyo lang ako, may bumubulong kasi sa akin na tuluyan ko na kaya nagawa ko ang krimen,” pahayag ni Malano sa pulisya.

Sa pahayag naman ni Capt. Manegdeg, narinig umano ng mga kapitbahay na nagkakagulo sa bahay ng biktima at nagmamakaawa pa umano itong huwag siyang patayin ngunit walang nakapansin kung paanong nakapasok at lumabas ng bahay ang suspek.

Isang saksi ang lumutang at sinabing nakitang may mga sugat ang kamay ng suspek habang bumibili ng adhesive bandage sa kalapit na tindahan ilang sandali matapos ang kaguluhan sa bahay ng biktima at nagresulta ito sa pagdakip kay Malano.

Dagdag pa ng pulisya, malabong pagnanakaw ang motibo sa insidente dahil walang nawala sa mga personal na gamit ni De Villion, habang narekober sa crime scene ang puluhan ng patalim na ginamit ng suspek sa pagpatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?