50

By

HRM student huli sa pagbebenta ng shabu

Arestado sa isinagawang buy-bust operation ang isang estudyante ng unibersidad sa Dumaguete City, Miyerkoles ng madaling-araw.

Nadakip si Mary Jean Delna, 21, kumukuha ng kursong Hotel and Restaurant Management sa isang unibersidad sa Dumaguete City, Negros Oriental, ng pinagsanib na puwersa ng PDEA-7 at Drug Enforcement Unit ng Dumaguete City Police Station sa Barangay Upper Cadawinonan.

Nakuha sa kanya ang tatlong maliit na pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000; isang cellular phone; at P2,000 buy-bust money.

Mahaharap siya sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?