84

By

Hotdog bassist Dennis Garcia pumanaw na

Sumakabilang-buhay na ang bassist at isa sa nagtatag ng Pinoy band na Hotdog na si Dennis Garcia.

Nitong Linggo ay kinumpirma ng anak nito na si Isa Garcia ang pagpanaw ng kanyang ama.

“For those of you who knew my father, it grieves me to inform you all that he passed away tonight,” ayon sa Facebook post ni Isa.

“Our grief at his sudden passing is infinite and now so is he.”

Ang Hotdog sikat na banda noong 70s’ na naging tanyag sa mga kanyang ‘Bongga Ka Day’, ‘Annie Batongbakal’ at ‘Manila’ na muling sumikat noong 2019 matapos itong gamitin sa opening ceremony ng 30th Southeast Asian Games.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?