69

By

Honasan lusot agad sa CA bilang DICT chief

Tulad ng inaasahan, madali agad na nakumpirma sa Commission on Appointments (CA) si dating senador Gregorio “Gringo” Honasan II bilang kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Walang miyembro ng CA ang kumontra sa kanyang kumpirmasyon.

Bago ang kanyang kumpirmasyon, pinakita ng CA panel ang track record ni Honasan na magiging akma sa kanyang trabaho sa DICT.

Ayon kay Senadora Grace Poe, bilang isang dating military, alam umano ni Honasan ang papel ng departamento para i-safeguard ang interes at seguridad ng bansa.

“If Secretary Honasan can play a key role in a People Power Revolution and lead a group of progressive soldiers dreaming of systemic improvements back then, it is but certain that such kind of leadership, passion, and determination will surely benefit a relatively young department which is the DICT,” sabi ni Poe.

Sinabi naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na malawak ang kaalaman ni Honasan sa intelligence communication at impresibo din ang academic record at managerial skills nito kaya kuwalipikado sa kanyang bagong posisyon.

“He is a person of unquestionable integrity and his unequivocal dedication to both humanitarian and public service are unparalleled,” sabi ni Zubiri.

Sa panayam nitong Miyerkoles, sinabi ni Honasan na nakatuon siya sa ‘marching order’ sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng ‘connectivity’ ang gobyerno sa domestic at global gayundin sa publiko.

“I think I was not placed naman or apppointed as secretary to be a digital lineman ano. The technical expertise is there at napakaliwanag naman nung marching orders ko kay Presidente which is connectivity,” sabi ni Honasan.

“Connect government to other governments, domestic and global. Connect government to business and connect government to the citizens and everybody to each other,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?