29

May 4, 2020 @ 18:00

Holy sheep! Mga kalye sa Turkey, dinagsa ng tupa

Lockdown sa Turkey, karamihan ng mga tao ay nasa kanilang mga tahanan dahil sa COVID-19 pandemic.

Ngunit naging puno pa rin ang mga kalsada ng isang siyudad sa bansa dahil sa mga tupa.

Sa tweet ni Ragip Soylu, isang reporter na nakabase sa Turkey, makikita ang pagdagsa ng mga tupa sa siyudad ng Samsun.

“Flock of sheep invades Turkey’s city of Samsun last night during the coronavirus lockdown,” ayon kay Solyu.

Makikita na pumupunta sa iisang direksyon ang mga tupa, na hindi pa batid kung papaano nangyari ngunit noong Marso ay nagkaroon na rin ng kaparehong insidente sa Wales.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?