94

By

Holidays para sa 2019, inilabas ng Malacañang

Maaari nang planuhin ng maaga ang bakasyon sa susunod na taon matapos ilabas ng Malacañang ang listahan ng mga pista opisyal o holidays sa 2019.

Batay sa Proclamation No. 555 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte, mayroong 10 regular holidays at siyam na special non-working holidays.

Kabilang sa mga regular holiday ay News Year’s Day, Araw ng Kagitingan, Maundy Thursday, Good Friday, Labor Day, Independence Day, National Heroes Day, Bonifacio Day, Christmas Day at Rizal Day.

Ang mga special non-working holiday naman ay Chinese New Year, EDSA People Power Revolution Anniversary, Black Saturday, Ninoy Aquino Day, All Saints Day, at Feast of the Immaculate Conception of Mary.

Ang huling araw ng 2019 ay mayroong karagdagang dalawang araw na special non-working holidays na Nobyembre 2 at Disyembre 24.

Kasama sa regular holidays ang Eidul Fitr at Eidul Adha pero ang eksaktong petsa nito ay itatakda pa ng National Commission on Muslim Filipinos dahil ibabatay ito sa posisyon ng buwan o sa Islamic Astronomical Calculations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?