13

Mar 26, 2020 @ 11:56
By

Holder ng temporary visit visa manatili muna

Pansamantalang pinahintulutan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga may hawak na temporary visitors visa, na nanatili sa bansa na hindi lalagpas sa isang taon, upang makuha ang kanilang Emmigration Clearance Certificates (ECCs) sa mga international na paliparan.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente inilabas ang desisyon matapos isailalim ang Luzon sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) upang maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ang ECC ay ibinibigay sa mga temporary visitors na nanatili sa bansa ng higit anim na buwan, at sa mga may hawak ng residence, work, o students visas na nais umalis ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?