80

By

Holdaper nanlaban sa pulis, todas

Duguang bumulagta ang isang holdaper matapos makipagbarilan sa mga awtoridad na aaresto sa kanya sa Brgy. Manresa, Quezon City, Lunes ng gabi.

Kinilala ng Quezon City Police District ang suspek na si Mark Anthony Ruvivar, 26, may asawa, nakatira sa Brgy. Manresa.

Si Ruvivar ay natukoy na responsable sa dalawang insidente ng robbery with homicide na naganap noong November 7, 2019 sa tapat ng Robton Industry Inc. at sa Apacible St. corner J Aquino St. Brgy. Balingasa noong October 30, 2019.

Ilang testigo ang nagtungo sa QCPD headquarters, nagbigay ng deskripsyon at nagturo sa hideout ng suspek.

Alas-8:30 ng gabi (December 2) ay nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng QCPD laban kay Ruvivar sa No. 48 Sapocoy Street, Brgy. Manresa.

Habang paparating ang mga pulis ay agad na pinaputukan ng suspek kaya gumanti ng putok ang mga awtoridad.

Naisugod pa sa East Avenue Medical Center ang suspek pero nalagutan din ng hininga dakong alas-9:00 ng gabi.

Narekober sa crime scene ang isang caliber .38 Smith and Wesson na may tatlong bala.

Ang security guard ng hospital na si Vincent De Villa ay nag-turnover naman sa police investigators ng isang plastic sachet na naglalaman ng shabu at P900 na nakuha sa pantalon ng suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?