107
Ho, Atienza sa PSA Forum
By

Ho, Atienza sa PSA Forum

Sasalang sa weekly Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Marso 26 ang mga kalahok sa PRUride PH 2019 at Philippine Rugby Football Union sa bagong venue nito sa Amelie Hotel-Manila sa J. Bocobo St., Malate.

Tatalakayin sa forum ang largest cycling festival na PRUride PH 2019 sa pangunguna nina Gretchen Ho, Kim Atienza, Go For Gold’s Hualda, Ismael Gorospe, Ronnel Hualda, Ric Rodriguez at champion rider Marcelo Felipe ng 7-11.

Samantala, pangungunahan naman ng general manager ng Philippine Volcanoes na si Jake Letts ang usapan tungkol sa Philippine Rugby youth program.

Bahagi rin ng forum ang maikling awarding ceremony ng Philippine Open photo contest na ginanap sa Ilagan, Isabela kamakailan sa pangunguna ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) President Philip Ella Juico.

Kasama ang San Miguel Beer, Tapa King at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), magsisimula ang sports forum alas-10 ng umaga at inaanyayahan ni PSA President Dodo Catacutan ng SPIN.ph ang mga miyembro na dumalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?