338

By

Hirit ni Trillanes sa inciting to sedition case, tinabla ng korte

Hindi pinaboran ng Pasay court dahil sa kawalan ng merito ang mosyon ni Senador Antonio Trillanes IV para ibasura ang kaso niyang inciting to sedition.

Dahil dito, lilitisin ang senador sa kaso na nag-ugat sa privilege speech niya sa Senado kung saan nanawagan ito sa militar na barilin si Pangulong Rodrigo Duterte dahil umano sa ill-gotten wealth ng Punong Ehekutibo.

Sa speech niya noong Oktubre 2017, inakusahan ni Trillanes si Duterte ng pagkakaroon ng bank transactions na mahigit P2 bilyon mula 2006 hanggang 2015.

“So ito ngayon sagot. Kung makikita ‘to ng mga sundalo, M60 machine gun ang gagamitin sa’yo. Marami-rami ito, maubos magazine kung P40 million hinahanap mo, Mr. Duterte,” saad ni Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?