50

By

Hintay lang! Pelicans tutungtong sa Finals – Josh Hart

Mataas ang kumpiyansa ng kakalipat lang sa New Orleans Pelicans na si Josh Hart sa future ng koponan.

Ayon kay Hart sa ESPN 2019 NBA Draft special, makalipas ang tatlo hanggang apat na taon ay makakasampa sa Finals ang Pelicans.

Dineklara niya ito matapos kunin ng Pels si Zion Williamson bilang kanilang top pick sa nagdaan na rookie draft.

“I try to be realistic in life, but I think three or four years, I think for a lot of our young guys they’re really mature, and really learn about the league and hopefully in that time we can get a couple of solid free agents,” ayon kay Hart.

Saad pa, magiging maganda ang takbo ng koponan dahil sa pagdagdag ni David Griffin bilang general manager ng franchise, iginiya ang Cleveland Cavaliers sa kanilang unang kampeonato noong 2017.

“I think if we do that and be having Griff (David Griffin) who created a championship team, I think we can do that,” aniya.

“I think we can be in the Finals in three or four years and hopefully bring a chip in New Orleans,” saad pa.

Busy sa rebuilding ngayon ang Pelicans, kumuha ng bulto ng picks ng Lakers matapos ipamigay si six-time All-Star Anthony Davis para kina Hart, Brandon Ingram at Lonzo Ball.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?