561

By

Hinihinalang bigtime party drugs supplier, patay sa buy-bust operation sa Maynila

Patay ang umano’y bigtime supplier ng party drugs sa buy-bust operation na ikinasa ng PDEA sa isang high-rise condominium building sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ng PDEA ang suspek na si Steve John Pasion.

Ayon kay Regional Director Joel Plaza ng PDEA NCR, nang magkaabutan ng droga at nang siya ay aarestuhin na ng PDEA, tinangka raw ni Pasion na tumakas sakay ng kanyang puting SUV.

Pero naharang siya ng mga armadong operatiba ng PDEA.

Nang lapitan ng isang operatiba ng PDEA ang pintuan ng SUV para pababain ng sasakyan si Pasion, inagawan umano nito ng baril ang operatiba.

Tinangka pa raw ni Pasion na kunin ang kanyang baril sa loob ng sasakyan.

Dahil dito, napilitan ang PDEA na paputukan ang suspek.

Dinala pa sa ospital si Pasion, pero idineklarang dead on arrival.

Arestado naman ang girlfriend umano ni Pasion na si Sophie Mercado.

Nasamsam sa operasyon ang limampung gramo ng shabu at labing limang tableta ng ecstasy na nagkakahalaga ng higit tatlong daang libong piso, pati na ang nine milimeter na baril at labing tatlong bala.

Sa ginawa namang paghalughog sa kanyang condo unit, nasamsam ng PDEA ang isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng anim na milyong piso at liquid ecstasy na nagkakahalaga ng P75,000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?