61
dead-body
By

Hinihinalang asset ng militar tinodas ng diumano’y NPA

Ayon sa pulisya, mga tauhan diumano ng New People’s Army (NPA) ang pumatay sa isang magsasaka na hinihinalang asset ng militar, Lunes ng gabi sa bayan ng Kitcharo, Agusan Del Norte.

Kinilala ang biktimang si Roy Olmo Biyog, 23, residente ng Camp Eduard Alegria, Surigao Del Norte.

Sa ulat na pinadala ng Agusan Del Norte Police Provincial Office sa Camp Crame, naganap umano ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi sa mabundok na bahagi ng Kabanikagan, Barangay Hinimbangan, Kitcharo ng nasabing lalawigan.

Nanghuhuli umano ng baboy ramo si Biyog kasama ang isa pang kaibigan nang masalubong umano ang limang armadong lalaki. Isa umano rito ay nakilalang si Roy Forteza Samonte na umano’y NPA member sa lugar.

Dahil hinihinala umanong asset ng militar, kinuha umano ng mga ito si Biyog at tinalian, habang ang kasamahan naman ng biktima ay suwerteng nakatakbo at nakatakas.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarinig na umano ang kaibigan ng sunod-sunod na putok ng baril.

Nang makabalik sa bahay ay agad iniulat ng nakatakas na biktima ang pangyayari sa pulisya na agad namang rumisponde sa lugar at doon natagpuan nila ang bangkay ni Biyog na nakatali umano ang mga kamay at may mga tama ng bala ng baril sa iba’tibang bahagi ng katawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?