203

By

Hindi nga lang doble: Taas-sahod sa mga guro, siniguro ni Duterte

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte, ngayong taon ay madadagdagan ang sweldo ng mga public school teacher.

Sa press conference ng Pangulo sa Davao matapos makabalik mula sa Russia, sinabi niya na sigurado na ang pagtataas ng sweldo ng mga guro, ngunit hindi pinangako na mapapantayan ang 100-percent increase noong 2018 para sa mga pulis at militar.

“It’s coming, ang increases nila. But hindi double. Mas marami ang teacher … The last time they [mga Cabinet member] were discussing was about 35 percent. It could be more, I don’t know,” saad ni Duterte.

Ngunit ayaw pang magbigay ni Duterte ng espisipikong araw kung kailan ito maisasatupad.

“If I give you the timeline tapos I could not make it on the deadline, I have to explain more than what is expected of government. Mas mabuti kung nandyan na. Basta sinasabi ko may increase this year, I am very sure of that,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?