191
Hindi natibag! San Miguel kampeon ng 2019 PBA PH Cup
By

Hindi natibag! San Miguel kampeon ng 2019 PBA PH Cup

Pinataob ng San Miguel Beer ang Magnolia 72-71 para manatiling hari ng PBA Philippine Cup.

Bumangon mula sa pagkakaiwan ng 17 puntos sa third quarter, 43-26, ang SMB para iuwi ang ikalima nilang Philippine Cup title nitong Miyerkoles sa Araneta Coliseum.

Pinatunayan ni June Mar Fajardo kung bakit siya tinawag na “The Kraken” ng PBA.

Sa Game 7 ng 2019 Philippine Cup finals, dambuhalang 31 rebounds ang sinungkit ni Fajardo bukod pa sa kaniyang 17 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?