12,919

By

Hindi nakapagpigil: Bulgarian boxer sinagpang ang labi ng seksing reporter

Tinuligsa si dating Heavyweight boxer Kubrat Pulev matapos nitong biglang halikan sa labi ang isang female reporter sa post-fight interview.

Sa Twitter post ng @BoxingNbt, makikitang kinakapanayam ang duguang si Pulev, 37, ni Jenny Sushe.

Tinanong siya ng reporter kung deserving ba siya na makalaban muli si Tyson Fury.

“If Tyson Fury gets through Tom Schwarz, do you think you should have a shot?”

Agad itong sumagot ng “yes” bago hinawakan sa mukha si Sushe at hinalikan ito sa labi.

Tila napahiya sa ginawa ng boksingero, idinaan na lang sa ngiti ni Sushe ang kabastusan ni Pulev pero maraming netizen ang hindi ito nagustuhan at pinayuhan ang reporter na kasuhan ang huli.

“Very weird guy. The whole interview he was very creepy. She should press charges,” sabi ng isa.

“He needs to be questioned before the media and held accountable. Disgusting man, they can’t keep getting away with this sickening behaviour,” sabi naman ng isa.

Bago ang naturang paghalik ay kita na ang panay pagtitig ni Pulev sa labi ng reporter na tila nagpipigil lang sa paghalik dito pero bandang huli ay hindi na niya pinalagpas ang pagkakataon at sinagpang ang labi ng babae.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?