387

Feb 19, 2020 @ 15:59
By

Hindi magre-resign! Bato ayaw kumasa sa hamon ni DJ Chacha

Hindi kinagat ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang hamon ni DJ Chacha na magbitiw sa pagka-senador kasunod nang pahayag nitong mamatay at mabubuhay na nasa tabi ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Dela Rosa, 19 milyong Pilipino umano ang bumoto sa kanya kaya’t hindi niya puwedeng talikuran ang mandating ipinagkaloob sa kanya na maglingkod sa bayan at sa mamamayan.

“Pabayaan mo sila, yung pananagutan ko yung bumoto sa akin, hindi naman sila bumoto sa akin, sila sila para magpa-resign sa akin, hindi naman siya “DJ Chacha” bumoto sa akin,” pahayag ni Dela Rosa sa panayam sa CNN.

“I was voted upon by 19M Filipinos at ‘yan tumatawag sa aking resignation ang binoto nya yung mga natalo, sa kabila, hindi ako madadala ‘yung drama na ‘yan,” dagdag pa nito.

Sa tweet ni DJ Chacha (Czarina Balba sa tunay na buhay) noong Martes, hinikayat ng radio disc jockey na mag-resign na ito bilang senador at mag-apply na lang bilang body ni Duterte.

“I suggest mag-resign na dapat si Senator Bato sa pagiging senador at mag-apply na bodyguard ng Presidente tutal naman ang loyalty niya ay sa Pangulo at hindi sa taong bayan,” sabi ni DJ Chacha.

Ginawa ni Balba ang panawagan matapos ihayag ng senador ang matibay na suportado kay Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?