452
Hindi korap na kandidato, hanap ng karamihan ng Pinoy – SWS
By

Hindi korap na kandidato, hanap ng karamihan ng Pinoy – SWS

Lumabas sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) na kinomisyon ng private think tank na Stratbase ADR Institute, na pangunahing kuwalipikasyon na tinitingnan ng mga botante sa mga kandidato ay hindi ito masasangkot sa korapsiyon.

Batay sa survey na “Qualities that One is Looking for in a Senatorial Candidate of the Philippines”, 25 porsiyento ng mga respondent ang nagsabi na hinahanap nila sa isang senatoriable ay hindi magiging corrupt.

Pumangalawa sa kuwalipikasyon ay mga senatorial candidate na may malasakit sa mahihirap (22 %), may mabuting personalidad (21%) at mapagkakatiwalaan (21%).

Isinagawa ang survey noong December 16-19, 2018 sa 1,440 adults nationwide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?