52

By

Hindi kami nakinabang sa P60M ads deal – Andanar

Itinanggi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar na may kumita sa kanyang tanggapan sa kontrobersiyal na P60 milyong tourism ad contract ni Ben Tulfo sa Department of Tourism at PTV-4.

Sinabi ni Andanar na walang natanggap ang PCOO taliwas sa naging pahayag nina Atty. Ferdinand Topacio at Tulfo.

Nais aniya nitong marinig mismo sa abogado ang akusasyon sa pagharap nito sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee sa Agosto 14.

“Ako mismo as the Secretary, ay wala po talaga kaming natanggap. Kung ano po iyong sinabi ni Atty. Topacio, it has to be clarified during the hearing,” ani Andanar.

Welcome sa kalihim ang gagawing imbestigasyon ng Senado para lumitaw ang katotohanan sa halip na magbintang at dadalo aniya ito para marinig mismo kay Topacio ang mga sinabi nitong may nakinabang sa PCOO sa kontrobersiyal na tourism ad.

“Walang legal na pamamaraan na makatanggap ang isang opisyal ng PCOO ng pera. Ito ay isang transaction between the DOT, PTV at Bitag. So kailangan po natin dinggin ito sa Senate Blue Ribbon committee para malinawan ang lahat,” dagdag pa ni Andanar.

Naunang inihayag ng abogado ni Tulfo na isasauli nila ang P60 milyon sa DOT subalit hindi tinupad dahil ang halaga ay pinaghatian na at may dalawang opisyal umano ng PCOO na tumanggap din ng salapi. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?