299

By

Hindi ako pinerahan ni Marlon – Pia Wurtzbach

Kinumpirma na mismo ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang kanilang paghihiwalay ng pro racecar driver na si Marlon Stockinger.

Ito’y matapos ang pahayag ng kanyang business manager na si Rikka Infantado-Fernandez tungkol sa break-up ng dalawa.

Hindi binanggit ng Miss Universe ang naging dahilan ng hiwalayan, ngunit isang impormasyon ang klinaro ni Pia.

Sa kanyang statement, sinabi nito na kahit kailan ay hindi umasa sa kanya si Marlon pagdating sap era.

“It’s true that Marlon and I are no longer together. I wish him and his family well, and out of respect for them, let me make it clear – Marlon and his family never depended on me financially,” ayon kay Wurtzbach.

“This will be my only statement on the matter. Thank you for your support,” aniya pa.

Nagsama ang dalawa ng dalawang taon, bago napabalita ang pagkakalabuan ng dalawa lalo’t hindi na madalas mag-update si Pia tungkol kay Marlon sa kaniyang social media accounts. (RP)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?