253

By

Hindi ako bully o siga – Rep. Delos Santos

Giniit ni Ang Probinsyano Party-list Rep. Alfred delos Santos na hindi siya bully o sanggano matapos siyang pag-usapan dahil sa pananapak sa isang waiter sa Legazpi City.

Kaugnay ito ng nag-viral na CCTV footage kung saan makikita ang ginawang pagsuntok ng kongresista kay Christian Kent Alejo.

“I am not a bully or a troublemaker. Hindi po ako siga, astig or sanggano. The people who know me well can attest to that,” sabi sa isang pahayag ng mambabatas.

Dagdag pa niya, ang naturang insidente ay hindi nagre-represent ng buong pagkatao niya o ugali.

“This single incident does not represent me or my values, and I will prove it by working hard to deliver our party platform and campaign promises to fellow probinsyanos, and from hereon conduct myself as an exemplary public servant worthy of the trust and confidence our people placed on us last election,” aniya.

Matapos umano niyang maisip ang nangyari, alam niyang walang excuse sa kanyang ginawa at nangako itong hindi na ito mauulit pa.

“Upon reflection on what had happened, I am really sorry that I have reacted the way I did. I should have known better, for that I am truly sorry. My emotions got the best of me,” wika niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?