249
Hiling ni Enrile sa magician: Gawin mo’kong senador
By

Hiling ni Enrile sa magician: Gawin mo’kong senador

Manghang-mangha si dating Senador Juan Ponce Enrile sa skills ng magician at komedyanteng si Jeffrey Tam.

Sa isang video na nakapost sa Facebook page ni Enrile, makikitang nagperform ng perfect card trick ang naturang magician para kay Enrile.

Kalaunan ay biniro ni Enrile si Tam na mag cast ng magic spell nang sa gayon ay manalo si Enrile sa darating na eleksyon bilang senador.

Umani ng 18,000 views ang naturang video habang isinusulat ang istoryang ito.

“Pag nagawa mo ito, pwede mo ba magic-in mo ‘yung eleksyon?” biro ni Enrile kay Tam na nagbunsod ng maugong na tawanan.

Agad naman itong sinagot ni Tam ng, “Ako bahala sa inyo.”

“Gawin mo na akong senador para hindi na ako maghihirap,” dagdag pa ni Enrile.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?