680

By

Hihilahin ko sila! Duterte buwisit sa Maynilad, Manila Water

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang international court na nag-utos sa gobyerno ng Pilipinas na magbayad ng bilyong halaga sa Manila Water at Maynilad.

Ani Duterte, “nanggagatas” na ng bilyon-bilyon ang mga water concessionaire ay pagbabayarin pa ang gobyerno ng penalty.

“We are being milked by billions and pinapabayad pa tayo ng mga fines and penalties,” aniya.

“Ang kontrata napakatagilid na tagilid because if they fail to realize the profit during the lifetime of the contract or at any period babayad tayo sa nalugi nila. Anak ng… P***** i** naman ninyo kung ganun,” dagdag pa niya.

Kaugnay ito ng order ng Permanent Court of Arbitration sa Singapore na magbayad ang PH government ng P3.4 bilyon sa Maynilad habang P7.4 bilyon naman sa Manila Water dahil sa nawalang kita ng mga water concessionaire matapos hindi payagan na magtaas ng singil sa nakalipas na mga taon.

Nairita rito ang Pangulo at nagbanta na ibubunyag ang mga tao na nakinabang sa hindi patas na distribution contract sa mga water concessionaire.

“I-expose ko talaga ‘yung mga mayaman na nakikinabang sa bayan na libre. Hihilahin ko sila, kung ako titirahin nila but I will make their life from hereon very, very, very miserable,” aniya.

Binatikos din ni Duterte ang mga Ayala sa pandaraya sa buwis.

“They do not pay corporate income tax. Ang corporate income tax hinuhulog nila sa tao. Patingin ko sa mga Pilipino kung paano manampal ng mga milyonaryo, bilyonaryo. Le**e kayo… Inano ninyo ang Pilipino e,” aniya.

Ang Maynilad ay pag-aari ni Manuel Pangilinan habang hawak ng mga Ayala ang Manila Water.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?