83

Jan 16, 2020 @ 12:46
By

Higit 100K Batangueño apektado sa Taal Volcano eruption

Umakyat na sa 121,455 indibidwal mula sa lalawigan ng Batangas ang apektado sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Batay ito sa 5 AM update ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na nilabas sa Twittter ngayong Huwebes, Enero 16, 2020.

Tumaas din sa 26,294 pamilya ang apektado, at kasalukuyang mayroong 373 evacuation center sa probinsya.

Ayon sa Batangas PDRRMO kahapon, nasa P217.8 milyon na ang kabuuang halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng pagputok ng bulkan.

Matatandaang unang nagbuga ng usok at abo ang Taal Volcano nitong Linggo ng tanghali, Enero 12, at naglabas ng ash fall na umabot sa Metro Manila at Central Luzon.

Sa ngayon, tinaas pa rin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa alert level 4 ang bulkan na nasa lalawigan ng Batangas, na ngayon ay nakapailalim sa state of calamity.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?