25

Jan 21, 2020 @ 17:33
By

High-value target pokus ng PNP chief

“Di namin kayo tatantanan!”

Ito ang mariing sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Gamboa matapos ang kanyang utos na mas maraming iligal na droga ang kailangang masamsam sa mga gagawing operasyon.

“Di namin kayo tatantanan. Heed my words, with the guidance of our President, we won’t stop until you’ve been destroyed and neutralized, ” saad ni Gamboa sa kanyang speech sa harapan ng mga pulis sa Camp Crame.

“We expect this to go up. Through intensified drug operations focused on high value targets (HVTs). Sama-sama nating ituloy ang laban sa droga,” pahayag ni Gamboa.

Sa kabila ng mahigpit na kampanya kontra iligal na droga, siniguro ni Gamboa na susundin ng mga pulis ang mga operational procedures, gayundin ang transparency at accountability.

Matatandaang nitong nakaraang Lunes ay nanumpa na si Gamboa bilang ika-23 PNP chief sa harapan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Sto. Tomas, Batangas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?