150

By

Hidilyn Diaz, Gretchen Ho nilinis ng Malacañang sa ‘Oust Duterte’ diagram

Nilinaw ng Malacañang ang napaulat sa pagkakasama nina Olympian weightlifter Hidilyn Diaz at TV host Gretchen Ho sa inilabas na diagram ng mga personalidad na umano’y nagtatangkang manira sa reputasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ipinakita lamang sa diagram ang pagiging aktibo ni Rodel Jayme sa Facebook kung saan finallow (follow) niya sina Ho at Diaz.

Ang naging problema ani Panelo ay gumawa ng sariling konklusyon ang ilang media at isinama ang pangalan nina Diaz at Ho sa planong pagsira sa Presidente.

“Ipinapakita lang doon ‘yung active Facebook online ni Rodel Jayme, kung sino-sino ang pina-follow niya, to visualize kung anong character niya, anong persuasion niya, anong political interest niya. ipinakita pero hindi ibig sabihin involved sina Miss Diaz at Gretchen Ho,” ani Panelo.

Ang naging problema ayon sa kalihim ay inilabas agad ng ilang media na sangkot ang dalawa sa oust plot na sinakyan naman ng ibang politiko.

Hindi aniya naipaliwanag nang husto dahil nagmamadali ito noong Miyerkoles dahil sa hinahabol na flight patungong Bohol.

“Hindi ko pinangalanan. That matrix is not mine, I did not make that matrix. Ako tuloy ‘yung binabanatan. I’m just the messenger. Binabasa ko lang kung anong nakalagay doon. Siguro ang dapat tingnan natin ‘yung major players na nandoon,” dagdag pa ni Panelo.

Kasabay nito sinabi ng kalihim na hindi siya hihingi ng sorry kina Diaz at Ho dahil hindi naman siya ang gumawa ng matrix kundi ibinigay lamang sa kanya.

“No. I think those who should apologize are those who wrongly analyzed the matrix. Hindi nga malinaw eh nag-conclude naman agad kayo, ” wika pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?