540
ABANTE gretchen diamond
By

Herbert, Jinggoy ginamit kapag nanalo si Kris sa QC, San Juan – Gretchen

Idinawit ni Gretchen Barretto ang pangalan nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at senatorial candidate Jinggoy Estrada sa kasong qualified theft ni Kris Aquino kontra kay Nicko Falcis.

Sa Instagram post ni Falcis kung saan ipinakita nito muli ang transcript ng pagbabanta sa buhay niya ni Kris, sinabi nito na may naghahanap umano ng hired killer sa Tarlac City.

Nag-comment naman si Greta at sinabing sakali man umanong manalo si Kris sa QC ay malamang na may impluwensiya si Bautista dito, na matatandaang naging karelasyon ng aktres.

Samantala, kapag sa San Juan naman daw ay posibleng tinulungan ito ni Jinggoy dahil nag-offer umano ang ‘Queen of All Media’ na ikampanya ang anak ng senatoriable na si Janella na tatakbo bilang mayor ng lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?