169

By

Hepa posibleng maglaro sa Gilas

Sasalang si Fil-Am Kamaka Hepa sa FIBA ngunit hindi para sa Gilas, kundi para sa powerhouse team ng USA.

Kasali ang pangalan ng 6-foot-9 forward na si Hepa sa final 12 roster ng Tate sa FIBA Under-18 Americas Championship at ngayo’y kinukuwestiyon kung maaari pa itong maglaro sa Gilas.

Maikli ang naging sagot ni Gilas coach Chot Reyes na sinabing posible pa ring ibandera ng 18-anyos na si Hepa ang bandila ng Pilipinas.

Ayon sa eligibility rules ng FIBA, maaaring maglaro ang isang dual citizen para sa ibang bansa basta’t payag ang unang bansang napaglaruan na isasaad sa letter of clearance.

Dagdag pa rito, kailangan ding may konkretong plano ang pangalawang bansa sa akademiko at professional career ng manlalaro upang payagan ng FIBA ang proseso.

Hindi naman malayo na mangyari ito lalo’t nakapaglaro na si Hepa sa Pilipinas noong 2017 sa National Basketball Training Center National Finals.

Malaking tulong sa kampanya ng Gilas si Hepa na nasa ika-66 na pwesto sa 2018 ESPN top recruits sakaling magkasundo ang Pilipinas at Tate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?