150

Jan 19, 2019 @ 14:57
By

Henry Sy, malaki ang naitulong sa mga Pinoy – Kiko

Binigyang-pugay ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang yumaong si tycoon Henry Sy Sr., sa pamamagitan ng mga papuri rito.

Ani Pangilinan, hinarap ni Sy ang hirap ng buhay sa pamamagitan ng kasipagan, disiplina at malinaw na pananaw sa buhay para magtagumpay.

“He is a migrant who defied life’s hardships with hard work, self-discipline, and clear vision to succeed,” ani Pangilinan sa isang pahayag.

Sinabi pa ng senador na hindi lang ang publiko ang tinulungan ni Sy kundi maging ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa mga negosyo nito.

“His businesses have helped provide livelihood to hundreds of thousands of Filipinos and propel the economy into what it is today. Thank you for believing in the Filipinos and in transforming their lives,” pakli pa ni Pangilinan.

Samantala, nagpahayag naman ng pakikiramay si Pangilinan sa pamilya at mga kaibigan ng pumanaw na negosyante.

Sumakabilang-buhay si Sy nitong Sabado ng umaga sa edad na 94.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?